Anong meron sa book 3 na ito?
Ang bilis no parang kelan lang nagpublish ako ng ikalawang libro, ngayon heto muli ako upang handugan kayo ng isang bagong libro.
Ang librong ito ay napaka-espesyal sa akin. Bakit? Dahil wala na talaga sa plano ko ang magrelease ng book 3. Pero dahil sa isang pangyayari (oo tama ka, dahil sa isang babae), ay napilitan akong ilabas ito.
Halos lahat ng mababasa mo dito ay patungkol sa kanya. Ibinuhos ko rito ang buong sarili at emosyon. Isinulat ko rin ang masasaya at mapapait naming alaala.
Pinilit ko talagang punuin ang libro kong ito. Isiningit at isinama ko ang mga luma kong tula na may hugot din ang tema.
Excited na ko at sa tingin ko eto ang pinakamaganda kong libro (peace sign kay book 1 at book 2). Bakit ko nasabi? Kasi nakapag-move on na ko. Isa na lang syang alaala na pwede kong balikan sa libro kong ito.
At kung sa di sinasadyang pagkakataon na mapunta ito sa kamay mo, umaasa akong di ka magagalit o mag-isip ng kung anuman kasi napatawad na kita at nag-let go na ako.
Sana ay bigyan nyo uli ako ng pagkakataon na maipahayag ang damdamin ko. Life is too short to regret on what happened in the past. Move on na tsong at beh, you are not a tree!
Ingat ka.. Ingat din ako. At syempre pakinggan nyo ako dahil ako'y mag-aala John Lloyd, "Ingat!" =D